areal view with city during nighttime.(The picture from=unsplash) |
[아시아뉴스통신=조날드 타파난 특파원] Ayon sa pinakabagong report na nilabas ng Centers for Disease Control and Prevention ng South korea nagkaroon ng tinatayang labing limang kaso ng coronavirus ang mabilisang naidagdag sa orihinal na bilang nito.
Labing tatlo dito ay napag alamang nagmula sa Daegu. At ngayon nga'y ang total ng bilang ng mga positibo sa corona virus sa South korea ay apatnapu't anim katao.
At isa nga dito ay ang labing isang taong gulang na batang babae na anak ng isang kumpirmadong may corona virus. Pinaigting naman ng South korea ang kanilang pag iingat sa kanilang mga mamamayan at kanila ngang ihiniwalay na ang mga nag positibo sa virus.