2026년 09월 23일 수요일
뉴스홈 국제
Ang Manila North Road ay isinara para sa pagsasaayos nito

[서울=아시아뉴스통신] 조날드 타파난기자 송고시간 2020-08-11 02:00

Manila North Road (MNR) sa San Fernando, La Union ay pansamantalang isinara para sa pagsasa-ayos nito. (Photo from: DPWH)


[아시아뉴스통신=조날드 타파난 기자] Ang bahagi ng Manila North Road (MNR) sa San Fernando, La Union ay isinara para sa pagsasa-ayos, inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon. Sa isang ulat na natanggap ng DPWH Secretary na si Mark Villar, ang bahagi ng daan simula sa harap ng Robinson’s Mall ay isasara simula 9 ng gabu hanggang 9 ng gabi kinabukasan.

Ang mga trabahador ay kailangang maglagay ng polyethylene pipes para sa cross drainage, kung saan parte ng pagsasaayos at rehabilitation project ng DPWH, sabi ni DPWH regional director Ronnel Tan. Naglagay din ng mga Warning sign at barikada malapit sa apektadong lugar. Ang mga motorista ay inabisuhang gumamit ng alternatibong ruta.

[ 저작권자 © 아시아뉴스통신. 무단 전재 및 재배포금지]



제보전화 : 1644-3331    이기자의 다른뉴스보기
의견쓰기

댓글 작성을 위해 회원가입이 필요합니다.
회원가입 시 주민번호를 요구하지 않습니다.