![]() |
| Patuloy na iniimbestigahan ng DENR ang pagkamatay ng ostrich na namatay dahil matinding stress. (Photo from: UPI) |
[아시아뉴스통신=조날드 타파난 기자] Isa sa mga ostrich ang nakawala at nagtatakbo sa isang subdibisyon sa lungsod ng Quezon kamakailan ay namatay sa stress, sabi ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kahapon. Si Jonathan Cruz, na nagmamay-ari ng mga ostrich at dinala ang isa sa Wildlife Rescue Center of the DENR’s Biodiversity Management Bureau (BMB) noong Biyernes ng hapon, ayon kay Undersecretary Benny Antiporda.
"Sinabi na ni Mr. Cruz na ang pangalawang ostrich ay nasawi dahil sa matinding stress. Nguni't kailangan pang tignan ang mga ito kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkasawi ng ostrich," sabi ni Antiporda. Dagdag pa niya na ang isang technical conference ay magaganap kinabukasan para mag-imbestiga sa insidente at si Cruz ay iniimbetahan sa pulong "para bigyan siya ng tiyansang magpaliwanag."
Ang DENR ay magiimbestiga kung bakit ang mga ostrich ay napunta sa lungsod ng Quezon pero ang ipinakitang permit to transport sa mga ibon ay galing sa Misamis Oriental, na dapat ay dadalhin sa Nueva Ecija, sabi niya. "Ang may-ari ay hindi nakapagpakita ng permit para pahintulutang dalhin ang mga ostrich sa kanyang bakuran o compound," sabi ni Antiporda. Ang mga tauhan ng BMB ang pumunta sa Mapayapa Village 3 subdivision, kung saan ang mga ostrich ay nakita, ngunit kami ay hindi pinahintulutan ng mga security guard.















