2024년 04월 28일 일요일
뉴스홈 국제
Ang Biotek-M Dengue Aqua Kit ay isang abot-kaya at mabilis na kagamitan na gamit ang teknolohiyang na nagkakaroon ng polymerase chain reaction upang

[서울=아시아뉴스통신] 오준섭기자 송고시간 2020-01-07 01:13

A doctor examines a pediatric patient who is receiving chemotherapy.(The picture from=unsplash)

[Asia News Agency=Daniel Oh] Ang lokal na pamahalaan ay naghanda ng mabilis na kagamitan para sa Dengue fever para sa internasyonal napagbabahagi para makapasa sa ebalwasyon ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN na binubuo ng mga eksperto sa paggamit ng region para labanan ang nakakamatay na sakit.

Ang sabi ni Science Secretary Fortunato dela Peña sa Departamento ng Siyensya at Teknolohiya o DOST na ituloy ang pagtulong sa bagong simulang lokal na Biotech na kompanya na may pangalan na Manila Health Tek Inc.

At sa tulong nito na magawa ang mabilis na kagamitan na pangontra sa dengue na komersyal na magagamit di lang sa ating bansa, ngunit pangbuong mundo matapos ang DOST ay ibinigay ang pondo para pagsisiyasat at pagpapaunlad o R&D na mamuno sa The Biotek-M dengue Aqua kit.

Sabi ni Dela Peña, "Ang mabilis na nakagamitan para sa pagpapagaling ng Dengue ay magandang halimbawa ng tagumpay ng R&D na maagang sinuportahan ng DOST na nanguna sa pagpapaunlad ng matagumpay na produkto na nagpabuti ng buhay at kalusugan ng tao."

Nakuha ng DOST ang Biotek-M Dengue Aqua Kit na kinunsidera at sinuri ng ASEAN Diagnostics Initiative (ADI) sa pamamagitan ng pagiging kasapi ng departamento sa ASEAN Network for Drugs, Diagnostics, Traditional Medicine at Vaccines, na itinatag at pinangungunahan at itinatag ng Pilipinas, at gayun din sa pamamagitan ng Singapore-based Diagnostics Development Hub (DxD).

Ang ADI, aniya, ay isang eksperto sa panel na nagbibigay ng makabagong teknolohiya na maaaring magamit sa buong pamilihan ng ASEAN. Sabi ni Dela Peña, Pasado sa ebalwasyon ng ADI ang kagamitan na mabilis ang bisa pangontra sa dengue.

Ang Biotek-M Dengue Aqua Kit ay isa sa dalawang mga imbensyong binuo ng mga Pilipino na nag-uwi ng isang gintong medalya sa ika-46 na Internasyonal Eksibisyin ng mga Inbensyon na ginanap sa Geneva, Switzerland noong 2018.

Ang Biotek-M Dengue Aqua Kit ay isang abot-kaya at mabilis na kagamitan na gamit ang teknolohiyang na nagkakaroon ng polymerase chain reaction upang makita ang sakit nang mas mababa sa isang oras.

[ 저작권자 © 아시아뉴스통신. 무단 전재 및 재배포금지]



제보전화 : 1644-3331    이기자의 다른뉴스보기
의견쓰기

댓글 작성을 위해 회원가입이 필요합니다.
회원가입 시 주민번호를 요구하지 않습니다.

실시간 급상승 정보

포토뉴스

more