![]() |
| Ang mga manlalaro ng NBA na sina Malcolm Brogdon, Jabari Parker at Buddy Hield ay nagpositibo sa COVID-19.(Photo from = Philstar page) |
[아시아뉴스통신=조날드 타파난 기자] Tatlo pang mga manlalaro ng NBA ang natest sa coronavirus o COVID-19 na may halos isang buwan na lang natitira bago ang nakatakdang pagbalik ng season ng 2019-20 sa Orlando, Florida.
Per Shams Charania ng Stadium at Athletic, ang guard ng Indiana Pacers na si Malcolm Brogdon at Kings forward na si Jabari Parker ay parehong nag-positibo sa COVID-19 ngunit makakasama pa rin ang kanilang mga koponan sa Orlando.
Ang kasamahan ni Parker na si Buddy Hield ay nakasalamuha din ng virus ngunit hindi pa ito nagkomento kung babalik ba siya sa Orlando sa darating na Hulyo.















