2024년 05월 04일 토요일
뉴스홈 국제
Habagat magdadala ng pag-ulan ayon sa PAGASA

[서울=아시아뉴스통신] 조날드 타파난기자 송고시간 2020-08-04 03:00

Habagat magdadala ng malalakas na pag-ulan sa buong bansa ayon sa PAGASA. (Photo from: PAGASA)


[아시아뉴스통신=조날드 타파난 기자] Sa kabila ng hanging habagat na pinangalanang Dindo na nakapasok sa loob ng Pilipinas, wala ng tropical cyclone wind signal na nagresulta sa buong bansa, ang sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.

Gayunpaman, inaasahan ang hanging habagat na Dindo na palalakasin ang hangin at magdadala ng ulan sa buong bansa, kasabay ng bagyo na pinangalanang Sinlaku. Ang hanging habagat na Dindo, ay namataan sa 500 kilometro labas ng Basco, Batanes kahapon ng hapon, na hindi direktang tatama sa bansa, sabi ng PAGASA. Ito ay mananatiling malayo sa kalupaan ng bansa sa buong panahon ng pagtataya ito ay gagalaw papuntang hilagang kanluran na may bilis na 15 kilometro kada oras.

Bandang 2 ng hapon kahapon, ang bagyong Sinlaku ay nasa 1,180 kilometro kanluran ng northern Luzon. Ang masamang panahon na pinangalanang Dindo ay mamumuo at magiging bagyo ng mga bandang 2 ng hapon ngayon, sabi ng PAGASA. Nanatiling inaabisuhan ng PAGASA ang local disaster risk reduction and management offices para subaybayan ang pagaabiso at gumawa ng tamang hakbang.

 

[ 저작권자 © 아시아뉴스통신. 무단 전재 및 재배포금지]



제보전화 : 1644-3331    이기자의 다른뉴스보기
의견쓰기

댓글 작성을 위해 회원가입이 필요합니다.
회원가입 시 주민번호를 요구하지 않습니다.

가장 많이 본 뉴스

실시간 급상승 정보

포토뉴스

more