2024년 05월 01일 수요일
뉴스홈 국제
Ibang barangay sa Caloocan inilagay sa lockdown

[서울=아시아뉴스통신] 조날드 타파난기자 송고시간 2020-08-04 03:00

Ang Barangay 132 sa Caloocan ay inilagay sa lockdown dahil pagtaas ng kaso ng COVID-19. (Photo from: Mayor Oscar "OCA" Malapitan Facebook page)


[아시아뉴스통신=조날드 타파난 기자] Ang lungsod ng Caloocan na si Oscar Malapitan ay inilagay ang Barangay 132 sa lockdown simula ngayon dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ang barangay na inilagay sa total lockdown simula ng hating gabi hanggang 11:59 ng gabi sa Agosto 8 matapos ang 36 na residente na nagpositibo sa COVID-19, sabi ni Malapitan.

Ang barangay 142 sa Caloocan ay inilagay din sa lockdown simula kahapin at hanggang 11:59 ng gabi ng Agosto 7. Hindi bababa sa 28 na residente doon ang nagpositibo sa COVID-19. Ang Caloocan City Medical Center (CCMC)-South ay inilagay din sa lockdown sa pangalawang beses matapos 61 na tauhan ang nagpositibo sa virus, sabi ni hospital administrator Dr. Fernando Santos. Ang ospital kasama ang emergency room ay inilagay din sa lockdown hanggang 11:59 ng gabi sa Agosto 14.

Ang pasyente ay naka-confine na sa ospital at magpapatuloy sa pananatili sa panahon ng lockdown. Ang hospital outpatient department na matatagpuan sa old city hall plaza ay magpapatuloy sa operasyon, sabi ni Malapitan. Hinimok ni Malapitan ang mga pasyente na humanap ng ibang ospital dahil ang CCMC South ay naabot ang "umaapaw na kapasidad."

 

[ 저작권자 © 아시아뉴스통신. 무단 전재 및 재배포금지]



제보전화 : 1644-3331    이기자의 다른뉴스보기
의견쓰기

댓글 작성을 위해 회원가입이 필요합니다.
회원가입 시 주민번호를 요구하지 않습니다.

가장 많이 본 뉴스

실시간 급상승 정보

포토뉴스

more