2024년 05월 03일 금요일
뉴스홈 국제
Ang face shield ay ipapatupad sa mga sasakyang pampubliko ayon sa DOTr

[서울=아시아뉴스통신] 조날드 타파난기자 송고시간 2020-08-08 02:00

Isang paunawa na galing sa DOTr para pagsusuot ng face shield. (Photo from: DOTr)


[아시아뉴스통신=조날드 타파난 기자] Simula sa Agosto 15, ang paggamit ng face shield ay ipapatupad sa mga pasahero at driver ng pampublikong sasakyan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019, inanunsyo kahapon ng Department of Transportation (DOTr).

Ang mga pasahero sa pampublikong sasakyan ay kailangang nakasuot ng face shield sa taas ng face mask, sabi ng DOTr. Ang direktiba ay sakop ang lahat ng pamamaraan sa pampublikong transportasyon, kasama ang aviation (panghimpapawid), railway (tren), road at maritime sectors. Ang nakikitang inisyatibo ay para mabawasan ang pagkakahawa sa COVID-19 sa pampublikong transportasyon, ayon sa DOTr.

Ang awtoridad sa kalusugan ay itinuro ang paggamit ng face shield at mask ay para mabawasan ang pagkakahawa at pagsalin ng respiratory droplets.

[ 저작권자 © 아시아뉴스통신. 무단 전재 및 재배포금지]



제보전화 : 1644-3331    이기자의 다른뉴스보기
의견쓰기

댓글 작성을 위해 회원가입이 필요합니다.
회원가입 시 주민번호를 요구하지 않습니다.

가장 많이 본 뉴스

실시간 급상승 정보

포토뉴스

more