![]() |
| Manila North Road (MNR) sa San Fernando, La Union ay pansamantalang isinara para sa pagsasa-ayos nito. (Photo from: DPWH) |
[아시아뉴스통신=조날드 타파난 기자] Ang bahagi ng Manila North Road (MNR) sa San Fernando, La Union ay isinara para sa pagsasa-ayos, inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon. Sa isang ulat na natanggap ng DPWH Secretary na si Mark Villar, ang bahagi ng daan simula sa harap ng Robinson’s Mall ay isasara simula 9 ng gabu hanggang 9 ng gabi kinabukasan.
Ang mga trabahador ay kailangang maglagay ng polyethylene pipes para sa cross drainage, kung saan parte ng pagsasaayos at rehabilitation project ng DPWH, sabi ni DPWH regional director Ronnel Tan. Naglagay din ng mga Warning sign at barikada malapit sa apektadong lugar. Ang mga motorista ay inabisuhang gumamit ng alternatibong ruta.















