2024년 04월 27일 토요일
뉴스홈 종교
DAHIL SA BUSHFIRE SA AUSTRIALIA ANG MGA HINDI MANANAMPALATAYA AY NANALANGIN SA PANGINOON

[서울=아시아뉴스통신] 조날드 타파난기자 송고시간 2020-01-11 08:38

fireman wearing firesuit.(사진제공=unsplash)

[Asia News Agency=조날드 타파난 호주 특파원] "Ako ay ateista sa loob ng 25 na taon. Pero dahil doon nanalangin ako sa Panginoon, at nanalangin ako kay Hesus na ibahin ang ihip ng hangin" At dahil sa sakuna nanalangin ang hindi mananampalataya sa Diyos.

Ang Panahon ng Australian Bushfire
Nagsimula ang wildfire sa New South Wales dahil ito sa mataas na temperatura ng panahon at dahil sa tuyot na lugar sa Australia kaya lumaki kaagad ang apoy. Ang aktwal na bushfire ay makikita sa buwan ng Disyembre taong 2019 hanggang Marso taon ng 2020. At ito ay tuluyan ng kumalat at hindi na makontrol.

Humigit kumulang 2,500 ang nasirang istablisyimento, 25 na tao ang namatay at kalahating bilyon ang namatay na hayop at nawalan ng tirahanan dahil sa wildfire.

Panalangin
Ang gobyerno ng New South Wales ay nagdeklara ng State of Emergency sa pangatlong pagkakataon ngayon. Sa gitna ng alarma sa wildfire sa Autralia. Sila ay hindi nawawalan ng pag-asa, Ang mga tao doon ay nanalangin ng mataintim at kahit ang hindi mananampalataya.

May isang ateista na halos 25 na taon ang nanalangin sa Panginoon, ipinanalangin niya kay Hesus na ibahin ang ihip ng hangin, ayun sa panayam sa ateista. 

At may isang babae naman ang hindi nanalangin sa Panginoon pero dahil dito siya ay nanalangin ng matindi na hindi pa niya nagagawa sa tala ng buhay niya. Panayam sa isang babae ng ABC news.

Sagot sa Panalangin
Marami sa buong mundo ang nanalangin para sa bansang Australia, nasagot ang panalangin nila dahil umulan sa lugar ng Mogo noong ika-5 ng Disyembre at ito ay nagtuloy tuloy.

Ang ulan ay ang nagsilbing pag-asa sa mga tao sa Australia, Sila ay naniniwala na ang Diyos ay diringgin ang kanilang mga panalangin para sa Australia, at Patuloy nating ipanalangin ang bansang Australia at ang mga taong nasalanta nito.

[ 저작권자 © 아시아뉴스통신. 무단 전재 및 재배포금지]



제보전화 : 1644-3331    이기자의 다른뉴스보기
의견쓰기

댓글 작성을 위해 회원가입이 필요합니다.
회원가입 시 주민번호를 요구하지 않습니다.

가장 많이 본 뉴스

실시간 급상승 정보

포토뉴스

more